Kaya pala nung bata tayo pinapatulog tayo ng hapon kasi kapag tumanda na, namamalimos ka na ng tulog at pahinga.
Kaya pala galit na galit mga guro noon kapag maingay tayo kasi sa pagtanda, mahalaga pala ang matuto tayong makinig at hindi ang bumunganga.
Kaya pala lima o sampung piso lang baon natin noon para mapahalagahan ang bawat sentimong kikitain, na ang kapalit ay pagod at sakit ng kasukasuhan natin.
Kaya pala kailangang sabay sabay kumain noon, kasi darating pala ang araw, na mag isa ka nalang kumakain sa hapag ngayon.
Kaya pala palagi tayong karga ng mga magulang natin kasi kapag tumanda, walang ibang bubuhat satin kundi sarili lang natin.
Kaya pala yung mga magulang natin ayaw tayo malingat sa paningin nila noon, dahil taon bago ka nila makasama ngayon.
Kaya pala hinahayaan tayong mangarap nung bata tayo, kasi kapag tumanda mapapagtanto mo na posible palang mangyari lahat ng bagay kung pagsisikapan mo.
Kaya pala masaya tayo kahit walang wala tayo noon kasi hindi pala mabibili ng pera yung saya na hinahanap natin ngayon.
No comments:
Post a Comment