>>PAGPABATI o pagpakilala
P~ hi, ako po si pinay ajumma, galing pinas
K~Ang ganda mo ? ilan taon kana
Sa korea natural lang sa kanila ang magtanung ukol sa informasyon mo,edad o saan ka nakatira, single o married.
pero di po ito nangangahulugan ng masama gusto lang nila e express ang concern nila o interest sa iba.
>>Bawal o di naayun?
Sa experience ko noong bago palang ako salta ng korea napapansin ko lagi akong pinagsasabihan ng byenan ko na pagbasa ang buhok di pwedeng lumabas at dapat laging nakatali ~ Kayo ba naka experience ng ganito?
>>Di pwede magsuot ng maiksing shorts?
pero bakit summer naman mainit? ang sagot ''hindi kana dalaga Dala kana! ajumma kana hindi ka agassi~
Opinion oo nga naman pero pwede naman magsuot basta carry mo lang at siguradong nababagay naman...o diba?
tsismis?
kung sa pinas my tsismosa ganun din dito malala pa mga matatanda ,pero natural
lang sa kanila yun wala kasi silang ginagawa kaya pinagtsitsismisan nila mga foreigner o myunuri nila.....
paggamit ng po at opo ng korea/respeto/status/ relationship
pagfirst meet mo sa isang korean usually ang una is tinatanong ang edad mo`Bkit?
ganito yun;
>kung same age ~kaibigan o chingu pwedeng tawagin sa name nya
>kung matanda sayo ng isang taon o higit pa dapat tawagin ay ate o kuya
>pagbata sayo pwedeng tawaging dongsaeng o name nya mismo
>kung sya ay isang dalaga pwedeng tawaging miss/mr (pinay-ssi/ hanuel-ssi)
>kung sya ay manang o manong na pwedeng ajussi/ajumma ito ay married na
pagclosed pedeng tawaging oppa pag di masyado malayo sa edad mo o kaya samcheon, nkadepende sa closed relationship nyo oi pagsinabing closed relationship di ibig sabihin nobyo o nobya muna,,,
>pag nasa 60 up na edad pwedeng halmoni /halaboji ang itawag mo, gustong gusto ng korean lagi ka nag insa o nagbabati sa kanila.
>pag sa school naman na meet mo nanay ng bata, pwede mong i adress kyungmin omma/ nagsisimula sa name ng bata (kyungmin)+nanay(omma)tatay(appa)=kyungmin omma/appa.
PAGSA OPISINA, SA SCHOOL,RESTUARANT O PUBLIC GOVERNMENT ETC. MY KANYA KANYANG TITLE GAYA DIN SA PINAS.
MEDYO NAKAKALITO NOH~~~~ GANUN TALAGA...SA KOREA NKADEPEND SA TITLE MO KUNG PAANU KA IADDRESS O SILA
OK MOVE ON NA TAYO.......................
Salamat sa pagbasa, baka my gusto kayo iadagdag /suggestion/ comment lang
Next adapting korean family life ................................
goodnight