Wednesday, March 29, 2023

학부모회 와 공개 수업 중 학교 + OPENING CLASS & PARENTS TEACHER MEETING

Ngayong araw pumunta ako sa School ng Anak ko para mag attend ng Open class at parents teacher meeting.
Pagpasok palang sa gate hinarangan kami ng guard para mag sign ng name ng aming anak for example student name &section. 
At papasok ako sa school nakita ko ang sign na ito at sinundan, hinanap ang room ng aking anak.

Nang najarating ako malapit sa Classroom nag picture muna ako Remembrance ika nga.

At narealize ko na nagkakaedad na pala ako.
Ni rewind ko lang yung mga old days na high school ako, mga memories ko bumalik sa gunita ko ng makita ko mga student wearing uniforms. 

Nang pumasok na ako sa loob binati ako ng isang nanay at sinabi oh ikaw yung kansa sa school sa library overall in grade 6 right? So nagulat ako at paanu nya nalaman yun pala nanay sya ng clasmate ng anak ko sa elementary at pareho sila ng ban o section, hina talaga ng memory ko. So mabuti nalang meron ako kaibigan kaagad  di ako naboring.

ANU MERON SA OPEN CLASS? 공개수업
Ang open class sa korea at ginagawa 1 to 2 a year depende sa school.  Sa middle school 2x ang open class. Ngayon taon ang unang open class ng school after ng Virus. Sa loob ng classroom ang mga nanay nagmamasid kung paanu mag aral mga bata. Ako naman sa likod habang tahimik nagmagmamasid sa paligid habang naglelecture ang subject teacher. Dahil bawal magpicture during class , masid nalang. Gusto ko ivedeo o picturan sila kaso ng nakita ko ang rules ng classroom nahiya naman ako kaya  nood nalang. 

So natapos na ang open class ngayon pupunta kami sa meeting hall kung saan lahat ng nanay from 1year to 3rd year magsamasama para makinig ng mga important information about sa school, sa pagprepare ng mga bata papuntang highschool to college. Maraming explanation at humantong kami sa Volunteer section. Dahil nagregister ako para midterm exam at food monitoring sa school binigay ng teacher kung elan ang schedule ko sa pagvolunter.

After namin sa meeting hall
Bumalik uli kami sa classroom ng akong anak at doon nag umpisa naman ang parent meeting. Sa 27 students tatlo lang kami na nanay umattend. President ng aming room t dalawa kaming junggangusa 중간 고사.
Kahit tatlo lang kami tuloy ang meeting . Ang kagandahan lang kasi pag kunti makapagtanung ka sa teacher unlimited. Sa school kasi need ang help ng teacher para sa mga bata. 

Monday, March 20, 2023

학부모총회 +General meeting of parents in korea for elementary

 NAG ATTEND AKO NG GENERAL MEETING SA SCHOOL 2023


Ngayong araw pumunta ako sa school para mag attend ng meeting. Mula ng mag grade 1 ang aking anak nag aatend na talaga ako ng mga meeting sa school. Sumasali sa mga activities or nagvovolunteer. 


Anu ba dapat gawin sa pag attend ng meeting na ito. 

Simple lamang po, pumunta sa tamang oras dahil ang mga koreans pag sinabing 1pm , 12;40 palang nandoon na sila sa school.


 Hanapin ang Room ng iyong anak , mag greet sa teacher , pumasok sa loob at hanapin kung saan ang place ng iyong anak at doon umupo.


Since di pa nag uumpisa ang meeting pedeng mag ikot ikot at mag masid sa paligid tingnan ang gawa ng iyong anak like drawings.


paanu mag start ang meeting

Sa Loob ng room merong monitor kung saan live na ipapakita ang mga impormasyon about sa school.

Sa monitor makikita mo mag speech ang principal , magbigay ng certificate of apreciation sa school parents president, vice president, treasurer and secretary. After noon mag speech din sila. After  giving certificate ipapakita na sa motitor abou sa loob ngschool, tulad ng canteen kung saan sila kumakain mga bata, library, science room , music room, healthrooms, kung anu mga projects at pagbababago. Sinabi din o iniexplain about sa mga bully, at discremanition  plus pag my problima ang bata need cooperation ng nanay para maagapan ma solve ang problima ng bata.

Teacher parents meeeting

ito na ang pagpakilala ng new adviser sa mga magulang . ang kanyang profession kung saan sya nag graduate, ang rules and regulations, at share nya yung mga expectation naming mga nanay. Anu ang way nya sa pagtuturo at iba. Ngayong time yung nakaregister na may posisyon sa school pupunta na sa ibang rooms kung saan sila mag volunteer. 

Sa homeroom meeting meron ding class president{parents}

ang role ng class president sa classroom namin ay sya ang maghelp sa canteen , sa mga pagkain ng mga bata , nagchecheck. At meron pang iba. over all meron din sila president , vice president at secretary,  dahil sya ay volunteer class president sa aming room.

ang role naman ng noksaek omoni {green mother/ safetyfirts/ police motherlike } ay about sa mga safety ng mga bata sa daan sa pagpasok sa school. Sila yung extra mother traffic enforcer sa kanto na my hawak na yellow banner. Taon taon kasi maraming nadisgrasyang mga bata sa daan sa pagtawid. kaya malaking role ang pagnonokseak omoni. Dito meron din president , vice president ,treasurer and secretary over all from grade1 to grade6. tulad ko naging secretary ako sa nokseak omoni sa room namin from grade1 to grade 5 ang anak ko. Nang naggrade6 lumipata ko sa librarian, naging secretary uli (간사님)


Librarian mother ang role naman nito ay tutulong sa school libraian sa pag ayos ng mga books, at sa mga activities sa library. Dito sa library meron din kaming president, vice president, treasurer and secretary from grade 1 to grade 6. So dito lumipata ko gusto ko rin ma try kung anu ang role dito, at maiba naman.


So after ng meeeting ovel all uwia na.... yan lang ang ginawa ko noong nag attend ako ng parents general meeting.


Sana may natutunan kayo sa share experience ko, at kung my mga experience kayo sa school nyo pede din kayo magshare para my matutunan din ako sa inyo. Dahil bawt school my ibat ibang patakaran. Thank you