Sunday, November 20, 2022

Charlotte Garden "Lotteworld mall" Jamsil

Almost 3 years din kami bago naka gala ng free..dati limit lang yung tao ngayon sa awa ng dios ok na parang back to normal pero na mask parin for safety.
Isinama ko rin si k_pop kid  nag pose din...
sabi ko sa anak ko sakay sya jan ayaw nya kasi gabi nacat pagod kaya picture nalang
Dahil my mga tao nagpipicture taking sa gilid nalangnkami ng maze entrance.
Nakita nyo ba nakikita ko ang faling diba noong una diko napansin yang reflection 
heart kami ng anak ko...
anak ko ang nag picture nito pero carry lang.
Syempre posed muna umuwi
kay taas ng x-mas tree gustong abutin ang lotte tower..

Wednesday, November 9, 2022

Ang kwentong ''Buhay ajumma sa South Korea''

Nang ako pa ay single, wala akong problima. Ang sweldo ko malaya kung ibili ng gusto ko. At nang ako ay my nakilalang koreano, on the spot pakasal agad ako. Diko inisip anu ang kahihinatnan ko, pasimpalad lang kung baka .At ng ako ay lumuwas ng korea akin naramdaman ang kakaibang kultura... adjustment sa panahon, adjustment sa kultura, adjustment sa pamumuhay. Ang mas mahirap pa ay ang kumunikasyon sa isat isa 

asawang di marunong mag english, para kaming ewan di magkaintindihan. Ang labas daming nag aaway asawa man o byeanan dahil sa di pagka intindihan. Dahil ako ay dayo lamang, dapat ako ang mag adjust sa lahat. Swerte nalang kung ikaw ay nakapagtagpo ng asawang  marunong mag english at byeanan na modern generation. pag ikaw ay di sinewerte wag malungkot , tanggapin dahil yan napili mong buhay ito ay its your choice, walang perfecto sa buhay. SA panahon ng taglamig uso sa korea ang kimjang , 



ang koreano di mabubuhay pag walang kimchi, dahil ang kimchi food is life. Noong unang panahon sa araw ng taglamig walang makaing gulay at mahirap ang pagkain naisipan nilang magpreserve ng cabbage. at nakasanayan na nila ang traditiong ito. at pagdating ng february korean lunar new year , maraming pagkaing nakahanda sa lamesa na ialay sa mga ninunu, ang mga manugang busy sa pagpipirito ng mga gulay , isda at iba pa. at sa araw na ito magsidatingan ang mga kamaganak at pamilya. ako nahohomsick kasi malayo sa pamilya  miss na miss ko na.. sila after nilang magbisita aalis sila at pupunta sa magulang nila. dito sa korea sa ganitong holiday my matatanggap mga bata na pera galing sa mga lolat lolo, aunti at uncles, my mga giftset  at iba pa.  




   ang Jesa na sinasabi nila ay araw ng aniversaries ng mga ninuno. Kung saan every year nilang celebrate. at pagdating naman naman ng summer nagpepreserve naman ang korean ng mesil  tatlong buwan mo sya ibabad sa asukal at gumawa pa minsan ang korean ng soybean souce galing sa soybean paste na binabad sa tubig na my asin. Sa korea utos mo sunod mo, di uso ang katulong sa korea ikaw mag alaga ng anak mo, ikaw gagawa ng gawaing bahay wala kang maasahan kundi sarili mo, kahit my sakit ka need mong bumangon at maggawan ng house work. Need mo magluto dahil nagugutom anak mo. pag my sakit ka mag isa ka pumunta ng hospital . At ang importante sa lahat bago ko makalimutan dapat nakaintndi o mapagsalita ka ng basic korean language para di ka mabenta, joke!  

Note: Di lahat nakapg asawa ng koreano pare pareho ang naransan.